• Mission & Vision

• The Essence of the Foundation

• PCDEF Board of Trustees

• Medical Bureau Coordinators

• PCDEF Hymn

MABUHAY NG BUONG KULAY

Music and Lyrics by: Mr. Louie Ocampo
Sung by: Mr. Chad Borja


May ulap man ang langit,
Ang tagal nito’y saglit
May kapansanan mang kalakip
May liwanag ding hatid
Ang tulung-tulong na pagkakaisa
Sa naghihintay nating bukas
Na higit pang mas maganda

Refrain:

May ginhawang dulot ang ating pag-asa
Ang pagtulong sa diabetiko’y may biyayang dala
Pagkalinga’y hitik sa pagmamahal
Upang mabuhay ng matiwasay
Ng marilag at buong kulay
May diabetes man o wala
Tayo’y mabuhay ng buong kulay

Nasa sa atin ang angking lakas
Upang mawaksi lahat ng di kailangan
Ang bayanihan, sa’tin ay likas
Upang makamit ang tagumpay ng buhay

Repeat Refrain